Home NATIONWIDE Ferdinand Guerrero na isa sa hinatulang guilty sa Vhong Navarro case inilipat...

Ferdinand Guerrero na isa sa hinatulang guilty sa Vhong Navarro case inilipat sa BuCor

MANILA, Philippines- Inilipat si Ferdinand Guerrero, isa sa mga hinatulang guilty sa illegal detention ng TV host at aktor na si Vhong Navarro noong 2014, sa Bureau of Corrections (BuCor) nitong Biyernes.

“BuCor received today Ferdinand Guerrero,” pahayag ng ahensya.

Sinabi ng BuCor na sinamahan si Guerrero, sumuko sa mga awtoridad noong Huwebes, ng kanyang mga abogado.

Sumuko si Guerrero sa National Bureau of Investigation (NBI) ilang araw matapos siyang hatulan ng Taguig City court kasama sina Cedric Lee, Deniece Cornejo at Simeon Raz na guilty sa serious illegal detention for ransom.

Sinintensyahan ng korte ang apat ng reclusion perpetua o hanggang 40 taong pagkakabilanggo.

Agad na ikinulong sina Raz at Cornejo kasunod ng promulgation, na personal nilang dinaluhan. Sumuko si Lee sa NBI matapos ito.

Base sa BuCor, tinanggap si Guerrero sa reception and diagnostic center ng New Bilibid Prison para sa initial interview at checkup.

“He will be placed at Quarantine Cell for a period of five days with no visiting privileges, followed by diagnostic procedures which include medical, sociological, psychological, educational and classification processes for 55 days,” anito.

Kasunod nito, ia-admit na si Guerrero sa NBP. RNT/SA