MANILA, Philippines- Maituturing ng Atin Ito na “tagumpay” ang kanilang civilian mission sa West Philippine Sea dahil natapos itong “generally peaceful” sa kabila ng pagkakaroon ng mga sasakyang pandagat ng China sa lugar.
Inihayag ito ng grupo matapos ligtas na nakabalik sa Subic fishport sa Zambales ang mga kalahok lulan ng nasa 100 bangka.
“Generally peaceful and victrious despite China’s unlawful presence in the area, accompanied by its vessels’ acts of harassment and intimidation, and its massive ans illegal blocking force in Panatag Shoal,” giit ni Emman Hizon, isa sa organizers ng civilian mission.
Samantala, hindi na tumuloy sa Panatag Shoal ang pangunahing convoy ng civilian mission dahil itinaboy na ng mga sasakyang pandagat ng China ang mga mangingisda na tatanggap sana ng panibagong suplay.
Bukod sa pamimigay ng mga suplay sa mga mangingisda sa lugar, naglatag din ang grupo ng 12 symbolic orange buoys na pininturahan ng mga salitang “WPS ATIN ITO!” (The West Philippine Sea Is Ours!).
Nauna nang nagbabala si Chinese Foreign Ministry spokesperson Wang Wengbin sa Pilipinas hinggil sa mga aktibidad nito sa lugar.
Ang Scarborough Shoal ay isa sa mga lugar na pinagtatalunan ng Pilipinas at China dahil ang Filipino frontliners ay hinarass at ang mga mangingisda ay itinaboy ng China sa lugar.
Tinatawag ng Pilipinas ang mga bahagi ng katubigan sa loob ng exclusive economic zone bilang West Philippine Sea. Jocelyn Tabangcura-Domenden