Home ENTERTAINMENT Miguel, inakalang pustiso ang ngipin!

Miguel, inakalang pustiso ang ngipin!

Manila, Philippines- Just because he has a set of pearly white perfect teeth ay inakala ng isang netizen na pustiso ang mga ngipin ni Miguel Tanfelix.

Comment kasi ng netizen, mabuti raw at hindi nalalaglag ang dentures ng Kapuso actor sa tuwing sumisigaw ng: “Let’s volt in!” sa seryeng Voltes V.

Kapit na kapit pa rin daw ang pustiso ni Miguel itsurang napaka-physically taxing ng mga ipinagagawa sa kanila sa Running Man Ph.

Ibinase ng netizen ang kanyang obserbasyon sa isang lumang writeup.

Bagets pa kasi noon si Miguel na nagkataong bungi.

Just because he couldn’t miss appearing in the show in which he was cast ay ginawan ng paraanang kawalan niya ng ngipin.

Kinailangan niyang magsuot ng pustiso.

Okey na sana until sa ‘di malamang dahilan ay biglang nawawala ang pustiso, na-misplace or what.

Kinallangan pang tumulong ang costar ni Miguel noon na si Diana Zubiri para mahanap ang nawawalang pustiso.

Eh, how many years ago pa ‘yon?

Panahon pa yata ‘yon ng Encantadia.

Dahil bagets pa nga noon si Miguel, siyempre’y tinubuan na siya ng mga ngipin.

And speaking din lang of paglipas ng panahon, totoong pag ang isang

And speaking din lang of paglipas ng panahon, totoong pag ang isang artista ay matiyagang maghintay ay darating din ang kanyang right time.

Balitang after Running Man Ph ay nakatakda nang i-launch ng GMA si Miguel via an action series.

Mala-Ruru Madrid ang peg kay Miguel who’ll be cast in Mga Batang Riles. Ronnie Carrasco III