Home NATIONWIDE Dissolution of Marriage Act muling inihirit ni Hontiveros sa Senado

Dissolution of Marriage Act muling inihirit ni Hontiveros sa Senado

Larawan kuha ni Cesar Morales

MANILA, Philippines- Muling hiniling ni Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros nitong Huwebes sa kasamahan sa Senado na suportahan ang Senate Bill 147, o ang panukalang Dissolution of Marriage Act, matapos aprubahan ng House of Representatives ang Divorce Bill sa ikalawang pagbasa.

Sinabi ni Hontiveros na napapanahon ang maisabatas ang panukala upang mabigyan ng pangalawang pagkakataon ang bawat Pilipino.

“Hinihintay ko lang na mailagay sa agenda ang pag-sponsor ko ng bill. I do hope my colleagues can support this important measure,” aniya.

Base sa nakaraang interview, sinabi ng chairperson ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations, and Gender Equality na kanyang nilagdaan ang committee report “ilang buwan ang nakaraan” pero hindi pa naisasalang para sa plenary deliberations.

“We vow to continue to work in the Senate to pass necessary, though contentious, legislation despite the challenges we face,” aniya.

Noong 2017, ipinakita ng isang Social Weather Stations survey na 53 porsyento ang pumapabor sa legalisasyon ng diborsiyo habang naitala naman sa survey ng Catholic Radio Veritas noong 2018 na 52 poryento “strongly agree” o “somewhat agree” sa panukala.” Ernie Reyes