Home NATIONWIDE NCR naka-high alert sa paglapit ng Bagyong Uwan

NCR naka-high alert sa paglapit ng Bagyong Uwan

331
0

MANILA, Philippines – Naka-high alert ang mga lungsod sa Metro Manila habang papalapit ang Bagyong Uwan.

Sa Maynila, inilagay na sa red alert ng MDRRMO kasunod ng rekomendasyon ni Mayor Isko Moreno at MDRRMO Director Arnel Angeles.

Dahil dito, lahat ng response teams ay naka-standby na at ang mga rescue equipment kabilang ang bangka, life vests, chainsaw at mga lubid ay nakahanda na sa deployment.

Inatasan din ang mga contractor na sundin ang mga safety protocol kabilang ang pag-iingat sa mga signages at billboard.

Nagdeklara rin ng red alert ang Caloocan City kasabay ng babala ni Mayor Along Malapitan sa malakas na ulan at hangin na maaaring magdulot ng pagbaha. Inabisuhan din nito ang mga residente na patuloy na imonitor ang mga creek at ilog.

Naghahanda na rin ang Pasay City para sa mga flood prone areas nito kasabay ng pagbabawas ng mga sanga ng mga puno, pag-aayos sa mga billboard, at paglalagay ng life-saving equipments sa iba’t ibang lugar.

Nilinis na rin ang mga evacuation at health centers.

Nagsimula na ang Pasig City sa pagtatayo at pag-aayos ng mga evacuation center nitong Sabado pa lamang.

Inilagay din ang red alert kasabay ng pagpapatupad ng pre-emptive evacuation sa mga residente.

Samantala, pinagana na ng Quezon City ang Emergency Operations Center (EOC) para makipag-ugnayan sa monitoring, response deployment at evacuation preprations.

Sinimulan na ang pre-emptive evacuation sa flood-prone areas kabilang ang Barangay Old Capitol Site at Barangay San Vicente.

Inabisuhan na rin ng mga awtoridad sa Navotas na mag-imbak ng tubig at iwasan ang pagtatambak ng mga basura upang maiwasan na mabarahan ang mga daluyan ng tubig.

Pansamantalang isinara ang Navotas Navigational Gate upang maiwasan na umabot ang tubig-dagat sa mga kalsada tuwing high tide, habang nananatiling operational naman ang mga floodgate.

Ganito rin ang mga naging paghahanda ng Las Pinas, at Taguig City. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here