Home HOME BANNER STORY NCR traffic enforcers gagawaran ng awtoridad sa pag-isyu ng traffic violation tickets

NCR traffic enforcers gagawaran ng awtoridad sa pag-isyu ng traffic violation tickets

MANILA, Philippines- Bibigyan ng awtoridad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang traffic enforcers ng 17 local government units sa Metro Manila upang patuloy na makapag-isyu ng traffic violation tickets sa mga mahuhuling motorista sa National Capital Region (NCR).

Ito ang naging desisyon ng MMDA at ng Metro Manila Council (MMC) sa pangunguna ni San Juan City Mayor Francis Zamora matapos magdesisyon ang Supreme Court na pagbawalan ang LGUs sa Metro Manila na mag-isyu ng sariling traffic violation tickets.

Magiging problema ang desisyon ng SC sa traffic management sa Metro Manila dahil inamin ng MMDA na kulang ito sa manpower upang pangasiwaan ang trapiko sa NCR at kinakailangan ang traffic enforcers ng LGUs.

“We have agreed to give local traffic enforcers in Metro Manila provisional authority for now to prevent anarchy on the roads,” ani Artes.  

Batay sa kasunduan, kada LGU sa Metro Manila ay magsusumite ng listahan ng traffic enforcers na awtorisadong mag-isyu ng citation tickets upang gawaran ng provisional deputization hanggang December 31, 2024.

Base sa MMDA, hindi na ito maghahain ng motion for reconsideration.

Kapag deputized na, magsusuot ang local traffic enforcers ng identification cards na may nakasulat na “Deputized by the MMDA” upang makita ng mga motorista na may kapangyarihan silang magpatupad ng traffic rules and regulations, base kay Zamora.

“If traffic enforcers do not enforce the law, we will see violations everywhere, which we want to prevent from happening,” pahayag ng alkalde. RNT/SA