Home NATIONWIDE Pinoy cruise worker sa Florida arestado sa pamboboso

Pinoy cruise worker sa Florida arestado sa pamboboso

MANILA, Philippines- Arestado ang 34-anyos na Filipino cruise ship worker na inaakusahang nagtatago ng camera upang mamboso sa mga panauhin sa Port Everglades sa Fort Lauderdale Florida nitong weekend.

Ayon sa federal documents, naglalagay si Arvin Joseph Mirasol, stateroom attendant sa Royal Caribbean’s Symphony of the Seas ng hidden cameras sa isang banyo, at tinatarget ang mga guest, partikular ang mga menor-de-edad na kababaihan.

Noong Feb. 25, natuklasan ng isang abbae at dalawang batang anak nito ang nakatagong camera sa banya “affixed to the counter underneath the sink” dahilan upang iditene si Mirasol ng ship security officers, base sa Broward Sheriff’s Office.

Isang araw matapos maglayag mula sa South Florida, naharap si Mirasol sa federal charges — voyeurism at possession and production of child pornography.

Gayundin, ang pagkakadiskubre sa “numerous videos of naked females undressing in the bathroom” at child porn videos na naka-save sa kanyang USB ang nagpatibay sa mga alegaasyon laban sa Filipino cruise worker. 

Nakita rin ng mga awtoridad ang mga video kung saan makikitang kinakabit ni Mirasol ang camera sa banyo ng mga panauhin. Inamin ng Filipino cruise worker ang kanyang obsesyon sa pamboboso— kung saan target ang mga panauhin, partikulaar ang mga kabataang babae. Nagsimula umano ito nang magtrabaho siya sa barko noong Disyembre.

“I want to control it, but I can’t,” pahayag niya. Tinanong din siya ng mga imbestigador kung paano niya pinipili ang mga silid na kinakabita niya ng spy cameras.

“If I like who is in that room, I place it,” tugon ni Mirasol, at kinumpirmang target niya ang mga kabataang babae na edad 16-anyos pataas.

Batay sa ulat, isiniwalat ng Filipino cruise worker na pumapasok siya sa mga silid at nagtatago sa ilalim ng kama habang naliligo ang guests.

Samantala, agad naman itong inaksyunan ng Royal Caribbean. Inihayag nila ang kanilang “zero-tolerance stance on such an unacceptable behavior,” kung saan sinabi sa ulat na agad nila itong isinumbong “to law enforcement and terminated the crew member.” RNT/SA

Previous articleNCR traffic enforcers gagawaran ng awtoridad sa pag-isyu ng traffic violation tickets
Next articleLumalagong PH economy mitsa ng pagbaba ng bilang ng walang trabaho – DOLE