Home ENTERTAINMENT NCT Wish, balik-Pilipinas para sa concert; ticket selling nagbukas na!

NCT Wish, balik-Pilipinas para sa concert; ticket selling nagbukas na!

491
0

MANILA, Philippines – Balik-Pilipinas ang Japanese-Korean boy band na NCT WIsh para sa kanilang concert sa Marso!

Ayon sa iMe Philippines, ang event producer ng naturang concert, gaganapin ang concert sa New Frontier Theater sa March 14, 6PM.

Ito ay bahagi ng first-ever concert tour “Into The Wish: Our Wish” na nagsimula sa Incheon, South Korea noong nakaraang taon.

Kasabay nito, nagsimula na ang ticket selling para sa NCT WISH 1st Concert Tour ‘Into The Wish: Our WISH’ in Manila nitong weekends.

Mabibili ang SVIP ticket sa halagang P11,500, Platinum sa P8,500, Loge sa P9,500 at Balcony sa P5,500.

Ang mga fans na bibili ng SVIP tickets ay magkakaroon din ng pagkakataon na makilahok sa Soundcheck.

Mabibili ang ticket sa website ng TICKETNET sa https://ticketnet.com.ph/event-detail/NCT-Wish-2026.

Ang paparating na concert ay isang taon matapos ang kanilang pagbisita sa Pilipinas para sa “Log In” tour na ginanap naman noong April 12, 2025 sa kaparehong venue.

Binubuo ang NCT Wish ng mga miyembrong sina Sion, Jaehee, Riku, Yushi, Ryo, at Sakuya. Ang NCT Wis ay unit ng grupong NCT. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here