Manila, Philippines- Inilantad ni National Task Force to End Local Communist Armed Conflict Executive Director at Undersecretary Ernesto Torres Jr. na tanging ang National Democratic Front ang talagang tagahasik ng lagim sa listahan ng mga terorista sa bansa.
“Kung terrorist grooming ang pag-uusapan, nasa umbrella ng isang terrorist group ng ating Anti-Terrorism Act ‘yung pinakamalaking terrorist groomer dito sa ating bansa, and I’m referring to the NDFP,” ang paglalantad ni Usec Torres sa virtual press conference ng NTF-ELCAC.
“Even in their constitution, 2016, ‘yung most recent constitution ng CPP-NPA under Article 10, It shows there that the NDFP being an integrated inseparable part of the CPP NPA is the core and most consolidated group that provides support to the armed and organizational expansion of the CPP,” dagdag pa ni Torres.
Ang pagsisiwalat na ito ay matapos ang pagkamatay ni Kaliska Dominica Peralta, kilala bilang Ka Recca, na napaslang sa isang enkwentro. Ito, ayon kay Torres ay nagpapakita ng patagong pamamaraan ng NDF nang ma-recruit si Peralta ng front organization ng mga rebelde habang nag-aaral sa Unibersidad ng Pilipinas.
Sinabi ni Torres na nakababahala ang diskarteng ito ng NDFP na saktong nagdiriwang ng ika-51 taon ngayong Abril 24, mula nang maitatag ito noong 1973.
Ang NDFP aniya ang nagkumpas mula noon ng mga strike, student boycott, at mga protesta para madestabilisa ang pamahalaan.
“These duplicitous organizations thrive on the suffering of the Filipino people, deceiving innocent individuals to join their corrupted cause and needlessly perish for it,” paliwanag pa ni Torres.
Hindi na raw mapapayagan ng pamahalaan na magpatuloy pa ang panlilinlang na ito ng NDFP na tumatayong ulo ng mga komunistang-teroristang Communists Party of the Philippines- New People’s Army.
Ngayong natanggalan ng maskara ang NDFP, isiniwalat na rin ni Torres na ito ay kumikilos gamit ang mga Underground Mass Organization at iba pang mga front organization para maka-recruit ng mga sektor na madaling hikayatin.
Dagdag pa ni Torres, ang UGMOs ay gamit ang front organizations gaya ng Kilusang Mayo Uno/ Revolutionary Congress of Trade Union, Gabriela/MAKIBAKA (Kilusan ng Bagong Kababaihan), ACT/KAGUMA (Katipunan ng mga Gurong Makabayan), Alliance of Health Workers and HPAD/MASAPA (Makabayang Samahang Pangkalusugan). RNT