Home HOME BANNER STORY NDRRMC: 8 patay sa epekto ng habagat, dalawang bagyo

NDRRMC: 8 patay sa epekto ng habagat, dalawang bagyo

115
0

MANILA, Philippines – Umabot na sa walo ang bilang ng mga nasawi dahil sa pinagsanib na epekto ng southwest monsoon o habagat, at tropical cyclone Butchoy at Carina sa malaking bahagi ng bansa.

Sa pinakabagong situation report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Martes, Hulyo 23, pito sa walong iniulat na nasawi ang nakumpirma na.

Apat ang nagmula sa Zamboanga Peninsula at tig-iisa sa Northern Mindanao, Davao Region, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Nagpapatuloy pa ang pagbeberipika sa ulat na may isa pang nasawi sa BARMM kasama ang dalawang sugatan at isang nawawala sa Region 10.

Samantala, apektado ang 179,744 pamilya o 866,483 katao mula sa 642 barangay sa Mimaropa, Western Visayas, Central Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao Region, Caraga at BARMM dahil sa masamang panahon. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here