Home ENTERTAINMENT BINI Colet may paliwanag sa kanyang pagiging matapang

BINI Colet may paliwanag sa kanyang pagiging matapang

MANILA, Philippines – Ipinagtanggol ng BINI member na si Colet Vergara ang kanyang pagiging matapang at biro ng mga fans ay palaging pag-activate ni ‘Anger.’

Sa Kuan On One interview with Melai Cantiveros-Francisco, sumalang ang BINI member at matapang na sinagot ang mga tanong para sa kanya in Bisaya.

Una sa mga pinag-usapan ay ang assumption ng mga tao kay BINI Colet na parang palaging galit.

“Dahil habang nag-uusap ang mga Bisaya, parang nagsisigawan. Kahit magkaharap lang, malakas pa rin ang mga boses. Pero hindi kami galit, guys. Normal lang talaga ‘to sa amin,” paglilinaw ni Colet.

Napag-usapan din ang katapangan ni Colet, pero this time, katapangan in a very good and positive way.

Dito na ikinwento ni Colet ang unang pagkakataon na naging matapang siya para maabot ang kanyang pangarap.

Aniya, may pagkakataon na nag-audition siya para sa Star Hunt. Sa kabila ng pagiging mahiyain, naglakas loob siyang pumunta rito.

Dagdag pa ni Colet, wala siyang sinabihan even ang kanyang mga magulang na mag-aaudition siya sa Star Hunt.

That time, ang katapangan ni BINI Colet na mag-audition ay dahil sa naramdaman niyang “calling” nang mga panahong iyon.

Ang buong tapang niya na pagsabak sa audition sa Star Hunt ang mababalikang panahon kung bakit niya tinatamasa ngayon ang kasikatan at magandang career as BINI member. RNT/JGC