Home NATIONWIDE Ilang kalsada sa Metro Manila binaha sa Habagat

Ilang kalsada sa Metro Manila binaha sa Habagat

MANILA, Philippines – Dahil sa malalakas na ulan dulot ng Habagat na pinalakas ng Bagyong Carina, binaha ang maraming kalsada sa Metro Manila.

Sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), hanggang tanghali ng Martes, Hulyo 23, 2024 ay umabot sa halos walong pulgada ang taas ng tubig-baha sa mga sumusunod na kalsada:

Quezon City:
Balintawak northbound (NB) at southbound (SB)
Dario bridge NB
E-Road Araneta NB at SB

Mandaluyong City:
Shaw Edsa SB

Caloocan City:
McArthur Calle Uno SB

Pasay City:
Andrews Tramo intersection

City of Manila:
EspaƱa M. Dela Fuente eastbound at westbound

Ayon sa PAGASA, posibleng magdala ng katamtaman hanggang sa malalakas na pag-ulan ang habagat sa kanlurang bahagi ng Luzon hanggang sa Huwebes, Hulyo 25. RNT/JGC