MANILA, Philippines – Nasagip ng pulisya ang isang foreign kidnap victim sa isang subdivision sa Barangay Punta, Calamba City, Laguna nitong Lunes ng gabi, Hulyo 22.
Sa imbestigasyon, ang biktimang si Li ay nakatakas mula a kidnapper nitong si Hu.
Humingi ito ng tulong mula sa isang naka-duty na security guard na si Jovan Castillo.
Dahil sa pagsasalita sa lenggwaheng Chinese ay hindi naintindihan ni Castillo ang sinasabi ng biktima.
Sa paggamit ng Google translate app ay napag-alaman na humihingi ng tulong si Li dahil siya ay dinukot at itinago sa loob ng subdivision.
Agad na ipinaalam ni Castillo sa pulisya ang insidente na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek sa follow-up operation sa Barangay Punta.
Positibong kinilala ng biktima ang suspek.
Nahaharap si Hu sa mga kasong serious illegal detention at kidnapping. RNT/JGC