MANILA, Philippines – Sinuspinde ng Metropolitan Manila Development Authority ang operasyon ng Pasig River Ferry Service nitong Martes, Hulyo 23, 2024 dahil sa masamang panahon.
Kasalukuyang nakararanas ng malalakas na pag-ulan ang Metro Manila dahil sa habagat na pinalakas ng Bagyong Carina.
Ang ferry service ng MMDA ay tumatakbo mula Pinagbuhatan sa Pasig City hanggang Escolta sa Maynila. RNT/JGC