Home ENTERTAINMENT Uge, agaw-eksena sa bday ni MVP!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Uge, agaw-eksena sa bday ni MVP!July 23, 2024 15:421240 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Kabog si Jon Santos!Ito ang nagkakaisang obserbasyon ng mga taong pinasaya ni Eugene Domingo sa isang beach event kamakallan.Bumida kasi ang Kapuso comedienne sa kanyang sketch sa 78th beach-themed birthday party ng business tycoon na si Manny V. Pangilinan.Itsurang aning-aning na mula rin sa alta sociedad ang peg ni Uge.Pag enter frame pa lang niya’y kuha na agad niya ang interes ng mga manonood.Bahagi ng kanyang linya ay: “I started my journey in Hongkong.“From the fringes of society, I climbed the ladder!”Parang pinalalabas ng karakter ni Uge sa sketch na tulad ni MVP ay self-made din siya.Pero with a twist ‘yon dahil may kasama itong pananaray sa billionaire.Bakit daw kasi nagdadaos ito ng party sa mismong property na pag-aari niya?Ginanap kasi ang birthday celebration sa bagong property ng MVP Group of Companies sa San Juan, Batangas.And the way Uge delivered it ay parang tropa lang niya si MVP at kasingyaman niya, ha?Mapapanòod sa Facebook reel, umabot na sa 2M ang views nito.Kabilang din sa mga inimbitahang mag-perform sa party ay si Ryan Cayabyab at ang mag-asawang Regine Velasaquez at Ogie Alcasid.Obyus namang naaliw ang septuagenarian sa kuwelang sketch ni Uge.Ang tanong: magkainteres kaya ang Media Quest ng TV5 na magprodyus ng show tampok si Uge?Wala na namang raket ang komedyana sa GMA, ‘no! Ronnie Carrasco III