Home NATIONWIDE NDRRMC: Patay sa habagat, bagyo pumalo sa 40

NDRRMC: Patay sa habagat, bagyo pumalo sa 40

150
0

MANILA, Philippines- Umabot na ang bilang ng patay dahil sa epekto ng southwest monsoon at Bagyong Butchoy ay Carina sa 40, base sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Huwebes.

Sa situation update ng disaster response agency, sinabi nitong kabilang dito ang 14 validated deaths — lima sa Calabarzon, apat sa Zamboanga Peninsula, dalawa sa Central Luzon, at tig-isa sa Northern Mindanao, Davao Region at sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM)

Bineberipika pa ang ulat ng 26 pang nasawi– 15 sa National Capital Region, siyam sa Calabarzon, at tig-isa sa Ilocos region at sa BARMM.

Samantala, pumalo ang bilang ng mga apektadong pamilya sa buong bansa sa 1,480,323 na katumbas ng 5,456,390 indibidwal na naninirahan sa 4,594 barangay.

Sa kasalukuyan, 10,234 pamilya o 46,940 indibidwal ang nananatili sa 279 evacuation centers habang 115,775 pamilya o 547,886 indibdiwal ang nasa ibang lugar.

May kabuuang 2,504 kabahayan ang naiulat na napinsala sa 15 rehiyon.

Tinatayang aabot ang infrastructure at agricultural damage sa P4.99 bilyon at P1.06 bilyon. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here