Home METRO NegOcc, DENR magre-rehabilitate ng 547 ektaryang kagubatan sa Mt. Kanlaon

NegOcc, DENR magre-rehabilitate ng 547 ektaryang kagubatan sa Mt. Kanlaon

1
0

NEGROS OCCIDENTAL, Philippines – Lumagda ang pamahalaang panlalawigan ng Negros Occidental at ang Department of Environment and Natural Resources–Negros Island Region (DENR-NIR) sa isang kasunduan upang rehabilitahin ang 547 ektaryang kagubatan sa Mt. Kanlaon Natural Park.

Ayon kay Provincial Administrator Rayfrando Diaz, nilagdaan nina Governor Eugenio Jose Lacson at DENR-NIR Regional Executive Director Charlie Fabre ang 25-taong kasunduan noong Miyerkules.

Layunin ng proyekto na maibalik ang sigla ng mga upland watershed sa Sitio Guinam-an, Barangay Minoyan, Murcia sa pamamagitan ng community-based reforestation program sa ilalim ng Enhanced National Greening Program (ENGP).

Bukod sa pagtatanim ng mga puno, isasagawa rin ang rehabilitasyon at pangangalaga sa 547 ektaryang taniman gamit ang mga piling uri ng kawayan.

Nakasaad din sa kasunduan na dapat mapanatili ang hindi bababa sa 85% survival rate ng mga itinanim na kawayan at iba pang halaman.

Ang mga residente ng Sitio Guinam-an ang magiging pangunahing benepisyaryo ng proyekto sa pamamagitan ng mga oportunidad sa kabuhayan.

Samantala, magbibigay ang DENR ng teknikal na suporta at susubaybay sa progreso ng proyekto, habang ang pamahalaang panlalawigan ang mangangasiwa sa pondo, administrasyon, at pagkuha ng mga manggagawa. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here