Home METRO Negosyante, natagpuang palutang-lutang sa Taal Lake

Negosyante, natagpuang palutang-lutang sa Taal Lake

212
0

BATANGAS, Philippines – Isang lalaking negosyante ang natagpuan nakalutang kahapon sa Taal Lake, Barangay Leviste, Laurel, Batangas.

Ang biktima ay kinilala sa alyas Tisoy, 32, binata, businessman, tubong Project 4 Quezon City, pansamantalang naninirahan sa Barangay Leviste Laurel, Batangas.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Laurel Municipal Police Station dakong- alas 12:00 ng tanghali nang matagpuan ang bangkay ng biktima na nakalutang sa Taal Lake.

Ayon sa mga kaibigan ng biktima simula umanong mawala ang biktima noong nakalipas na December 19, 2025 kung saan lulan ito ng kanyang bangka, subalit hindi na umano nakabalik ang biktima.

Napag-alaman na kaagad na ipinagbigay alam sa Philippine Coast Guard para hanapin ang biktima kung saan wala ng buhay na nakalutang ang nasabing negosyante nang matagpuan ito. /Ellen Apostol

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here