Home METRO Nene ginahasa saka pinatay sa Basilan

Nene ginahasa saka pinatay sa Basilan

157
0

MANILA, Philippines – Natagpuang patay sa isang bakanteng lote ang siyam na taong gulang na dalagita nitong Miyerkules, matapos isang araw na hindi na nakauwi sa kanilang tirahan sa Lamitan City, Basilan.

Sa ulat, nagpaalam sa kapatid noong Martes ng gabi ang biktima na kukuha lamang ng bumagsak na mga mangga sa kapitbahay.

Hindi na nakauwi ang biktima hanggang sa makita na lamang ang bangkay nito sa madamong bahagi ng Barangay Limook nitong Miyerkules, Hulyo 10.

Ayon sa mga awtoridad, nakapulot pa sa leeg ng biktima ang pajama nito nang matagpuan ang kanyang bangkay.

Hinihinalang ginahasa muna bago pinatay ang biktima.

Samantala, agad na naaresto ang 65-anyos na suspek sa ikinasang follow-up operation batay na rin sa impormasyon ng saksi.

Sasampahan ng reklamong rape with homicide ang suspek. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here