Home NATIONWIDE Neneng bumilis pa, pero posibleng humina na

Neneng bumilis pa, pero posibleng humina na

1
0

MANILA, Philippines — Bumilis ang kilos ng Tropical Depression Neneng habang kumikilos sa coastal waters ng eastern Taiwan at posibleng humina bilang remnant low ngayong Huwebes, Agosto 20, ayon sa PAGASA.

Sa 5 a.m. tropical cyclone bulletin ng weather bureau, namataan ang sentro ng Neneng sa layong 390 kilometro hilaga ng Itbayat, Batanes.

Taglay nito ang maximum sustained winds na 45 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong umaabot sa 55 kph, habang kumikilos west-northwestward sa bilis na 30 kph.

Wala nang nakataas na Tropical Cyclone Wind Signal sa alinmang bahagi ng bansa.

Gayunman, patuloy na palalakasin ng Neneng ang Habagat na maaaring magdala ng strong to gale-force gusts sa malaking bahagi ng Luzon at Visayas, gayundin sa Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao at Davao Region ngayong Huwebes.

Nagbabala rin ang PAGASA sa rough seas na maaaring umabot sa 3.5 metro sa ilang baybayin ng Batanes, Babuyan Islands at Ilocos Norte.

Pinag-iingat ang mga mangingisda at gumagamit ng maliliit na sasakyang pandagat at, kung maaari, iwasang pumalaot sa mga lugar na may maalong karagatan.

Ayon sa PAGASA, maaaring bumagal ang Neneng habang kumikilos pahilaga at manatili sa karagatang silangan ng Taiwan o mag-landfall sa hilagang bahagi nito.

Inaasahang maaari itong humina bilang remnant low sa loob ng 12 oras.

Nakatakdang ilabas ng PAGASA ang susunod na tropical cyclone bulletin alas-11 ng umaga ngayong Agosto 20. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here