Home NATIONWIDE Alternative work, learning setup ipatutupad sa NCR, 17 lalawigan ngayong Aug. 20

Alternative work, learning setup ipatutupad sa NCR, 17 lalawigan ngayong Aug. 20

2
0

MANILA, Philippines — Inatasan ng Malacañang ang mga tanggapan ng gobyerno sa National Capital Region (NCR) at 17 lalawigan na magpatupad ng angkop na alternative work arrangements ngayong Huwebes, Agosto 20, dahil sa patuloy na epekto ng pinalakas na Habagat.

Sa ilalim ng Memorandum Circular No. 131, inatasan din ang mga pampubliko at pribadong paaralan sa mga sakop na lugar na gumamit ng alternative learning modes at iba pang learning continuity measures.

Bukod sa NCR, saklaw ng direktiba ang Abra, Benguet, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, Zambales, Batangas, Cavite, Laguna, Rizal at Occidental Mindoro.

Ipinatupad ang hakbang kasunod ng rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) bilang paghahanda sa patuloy na malalakas na pag-ulan at panganib ng pagbaha at problema sa pagbiyahe dulot ng Habagat.

Gayunman, kinakailangang magpatuloy ang operasyon ng mga ahensiyang nagbibigay ng basic, vital at health services, gayundin ang mga sangkot sa disaster preparedness at response at iba pang mahahalagang serbisyo.

Patuloy din na tatanggap ng kaukulang sahod ang mga Contract of Service (COS) at Job Order (JO) personnel na sasailalim sa alternative work arrangements, alinsunod sa umiiral na mga patakaran.

Para naman sa mga lugar na hindi saklaw ng memorandum, nakasalalay sa mga lokal na pamahalaan ang desisyon kung magsususpinde ng klase.

Ang pagpapatupad ng alternative work arrangements o suspensyon ng trabaho sa mga pribadong kumpanya ay nasa pagpapasya naman ng kani-kanilang pamunuan.

Nilagdaan ni Executive Secretary Ralph Recto ang Memorandum Circular No. 131 noong Agosto 19 sa bisa ng awtoridad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here