MANILA, Philippines — Walang nakapag-uwi ng jackpot prizes sa dalawang major lotto draws ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Miyerkules, Agosto 19.
Batay sa opisyal na resulta ng PCSO, walang bettor ang nakakuha ng winning combination na 04-25-22-38-30-33 para sa Grand Lotto 6/55, na may jackpot na P142,959,524.89.
Wala ring tumama sa **Mega Lotto 6/45** matapos mabigong makuha ang winning combination na 19-40-32-01-26-43 para sa P19,513,135.07 jackpot.
Samantala, 41 bettors ang nanalo sa 4D Lotto matapos lumabas ang kombinasyong 2-3-5-8.
Nakatakda naman ngayong Huwebes, Agosto 20, ang susunod na national draws para sa Super Lotto 6/49 at Lotto 6/42. RNT