Home HOME BANNER STORY VP Sara, dumalaw sa burol ng estudyanteng nasawi sa Zambo school shooting

VP Sara, dumalaw sa burol ng estudyanteng nasawi sa Zambo school shooting

1
0

ZAMBOANGA CITY — Dinalaw ni Vice President Sara Duterte nitong Miyerkules, Agosto 19, ang burol ng Grade 10 student na nasawi sa pamamaril sa Ateneo de Zamboanga University (AdZU).

Naganap ang insidente noong Martes, Agosto 18, na ikinasawi ng biktima at ng estudyanteng itinuturong responsable sa pamamaril. May mga estudyante ring nasugatan habang nagkaroon ng kaguluhan at paglikas sa loob ng campus.

Dumalaw din si Duterte sa isang lokal na ospital upang kumustahin ang estudyanteng nasugatan sa insidente.

Patuloy namang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang motibo sa pamamaril at kung paano nakapasok sa campus ang mga baril na ginamit sa pag-atake. Sinisiyasat din kung paano nakuha ng estudyante ang mga armas.

Kasabay nito, sinabi ni Education Secretary Sonny Angara na tinitingnan ng Department of Education ang iba’t ibang posibleng salik sa insidente, kabilang ang online activity ng estudyante, ngunit wala pang pinal na konklusyon sa motibo.

Binigyang-diin din ni Angara ang pangangailangang palakasin hindi lamang ang physical security sa mga paaralan kundi maging ang mental health, counseling, mentoring at peer-support programs para sa mga mag-aaral. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here