Home SPORTS Nesthy Petecio tiyak na sa bronze sa panalo kontra Chinese

Nesthy Petecio tiyak na sa bronze sa panalo kontra Chinese

MANILA, Philippines — Nananatiling buhay ang ginintuang pangarap ni Nesthy Petecio sa pag-abante niya sa semifinals ng Paris Olympics boxing competitions matapos turuan ng boxing si  Chinese Xu Zichun ng China sa women’s featherweight class Linggo ng gabi.

Hindi nakaroon ng problema ang Filipina boxer sa buong tatlong round ng kanyang quarterfinal bout, na nagdulot ng mas matinding suntok sa pagwawagi nito sa pamamagitan ng 5-0 count na nagsiguro sa kanya ng medalya para sa ikalawang sunod na Olympic Games.

Si Petencio ang ipinagmamalaki ng  Sta. Cruz, Davao Del Sur at silver medalist sa parehong weight class noong 2020 Tokyo Olympics.

Nakatitiyak na ngayon ang boxing team ng dalawang bronze medal dahil panalo din ni Aira Villegas sa kanyang quarterfinal match laban sa home bet Wassila Lkhadiri sa 50 kg class.

Makakalaban ni Petecio sa semis ang 20-anyos na si Julia Szeremeta ng Poland, na umiskor ng unanimous decision laban sa beteranong si Ashlevann Lozada ng Puerto Rico sa kanilang sariling quarterfinal pairing.

Nakatakda ang semifinals ng madaling araw ng Agosto 8 (oras ng Maynila).

Maagang umatake si Petecio laban sa 28-taong-gulang na Chinese, na umiskor nang mga kumbinasyon sa loob upang daigin si Xu sa kabila ng mahaba nitong reach.

Ito ay 5-0 pagkatapos ng unang round para sa Pinay.

“Mabuti mabuti. Maganda ang ginagawa mo,” ani coach Reynaldo Galido habang naka-one-minute break.

Ipinagpatuloy ni Petecio ang atake sa  ikalawang round at  patuloy niyang pinaparusahan ang Chinese boxer sa pamamagitan ng malalakas na right jabs at paminsan-minsang mga suntok para sa katulad na 5-0 shutout pagpasok sa final round.

Nananatili ngayon sina Petecio at Villegas bilang ang tanging pag-asa ng bansa na manalo ng kauna-unahang Olympic gold medal sa boxing.

Kahit out na sa Olympics, nag-cheer sina Olympic medalists Eumir Marcial at Carlo Paalam, kasama ang first-time Olympian na si Hergie Bacyadan sa dalawang boksingero.