NAGPALABAS ang mga hukom ng International Criminal Court (ICC) ng arrest warrant para kina Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu at kanyang dating defense chief, at maging sa Hamas leader na si Ibrahim Al-Masri, para sa di umano’y ‘war crimes at crimes against humanity.’
Ang nasabing hakbang ay matapos na ianunsyo ni ICC prosecutor Karim Khan noong May 20 na hangad niya ang arrest warrant para sa di umano’y mga krimen na konektado sa Oct.7, 2023 attacks sa Israel ng Hamas at Israeli military response sa Gaza.
Binigyang diin ng ICC na hindi na kinakailangan pa ang pagtanggap ng Israel sa hurisdiksyon ng korte.
Tinanggihan kasi ng Israel ang hurisdiksyon ng Hague-based court at pinabulaanan ang war crimes sa Gaza.
Sinabi ng Israel na napatay nito si Al-Masri, kilala rin bilang Mohammed Deif, sa inilunsad na airstrike subalit hindi naman kinumpirma o itinanggi ito ng Hamas. Kris Jose