Home ENTERTAINMENT Netizen, ‘di na raw maniniwala post ni Jimmy Bondoc!

Netizen, ‘di na raw maniniwala post ni Jimmy Bondoc!

1
0

Manila, Philippines – Gaya ng alam na ng lahat, naging intriguing to the max ang social media post ng singer at lawyer na si Jimmy Bondoc.

Tila babala kasi ang Facebook post niya tungkol sa paparating na masamang balita.

Si Jimmy ay maka-Duterte na tumakbo sa pagkasenador noong 2022 elections, pero nabigo.

Sa kanyang FB post, saad niya: “Bad news is coming.

“Pray hard that it is not true, for the good of the nation.”

After a few hours, deleted o burado na ang nasabing post.

Kaso, na-screenshot ito at mabilis na kumalat sa social media.

Walang partikular na binanggit si Jimmy kung ano ang bad news na ‘yon, his post sparked talks na politically related ‘yon.

Kasabay kasi nito’y ang lumutang sa social media na ulat tungkol sa pagkakadakip kay Sen. Bato de la Rosa sa Davao.

Ang sabi ng iba ay ito ang tinutukoy ni Jimmy.

Pero sabi naman ng kanyang law partner na si Atty. Israelito Torreon ay iba raw ang tinutukoy ni Jimmy.

Ayon naman sa ibang netizen ay mahihirapan na silang maniwala sa mga susunod pang post ni Bondoc.

Ano sa tingin n’yo? Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here