Home ENTERTAINMENT Netizen, may pakiusap kay Coco, bigyan ng trabaho si Jiro!

Netizen, may pakiusap kay Coco, bigyan ng trabaho si Jiro!

Manila, Philippines – Once an actor, always an actor.

At kung ito ang kapaniwalan, the actor in Jiro Manio is still within his system.

Perhaps all that Jiro needs to have are acting breaks.

Puwedeng manggaling ang mga oportunidad na ‘yon mula sa mga film producers, TV stations and yes, even from Jiro’s peers themselves.

Nito lang ay in the news muli si Jiro after he sold his Urian Best Actor trophy to Boss Toyo.

Napagwagian ni Jiro ang karangalang ‘yon mula sa pinagbidahan niyang pelikula, ang Magnifico shown in 2000.

Isa lang ang ibig sabiihin ng pagbebentang ‘yon ni Jiro– kapos siya sa pera.

Hindi sumasapat sa kanyang mga pangangailangan ang sinasahod niya bilang volunteer sa rehab and treatment center ng DOH sa Bataan.

Himself a former druggie, naibabahagi ni Jiro ang kanyang mga karanasan sa mga drug dependents doon.

While it is fulfilling, hindi sapat ang kinikita.

Hence he had no choice left but to sell his trophy na una niyang pinresyuhan ng kalahating milyong piso.

Boss Toyo ended up buying Jiro’s trophy sa halagang P75k.

Maraming netizens ang naantig sa vlog na ‘yon via Pinoy Pawnstars.

May marubdob silang pakiusap sa isang aktor na alam nilang makakatulong nang malaki kay Jiro.

Kilala ang actor-director sa pagbibigay ng pagkakataon sa kanyang mga kabaro by offering them to guests on his TV series.

Nagawa na ‘ysn ni Coco sa FPJ’s Ang Probinsyano which has spilled over his next show, ang Batang Quiapo.

Nakikiusap ang mga netizens na kung maaari’y bigyan ng papel si Jiro sa BQ.

The latest colleague who Coco got to appear on BQ ay si Deborah Sun upon the recommendation of Senator Lito Lapid.

Kung si Deborah nga’y natulungan ni Coco, si Jiro pa kaya? Ronnie Carrasco IIi

Previous articlePCG handang maging escort ng 2nd civilian caravan sa Scarborough Shoal
Next articlePilipinas nakapagtala ng $102.7-B foreign reserves noong Pebrero