Home ENTERTAINMENT Netizen, na-‘in love’ kay Arnold Reyes!

Netizen, na-‘in love’ kay Arnold Reyes!

315
0
Screenshot

Manila, Philippines – Hindi na talaga matatawaran ang husay sa pagganap ng aktor na si Arnold Reyes, na nagsimula sa teatro bago kinilala bilang award winning actor.

Hindi na rin mabilang ang kanyang mga tropeo sa pag-arte mula supporting roles hanggang sa bida roles.

Sa bawat palabas niya, mapa-pelikula man o sa telebisyon, ay nag-iiwan siya ng tatak sa mga manonood.

Matagal  na rin sa showbiz si Arnold pero hanggang ngayon ay nananatili pa rin siyang matatag sa larangan na kanyang pinili.

Maraming netizens and viewers ang naa-amaze kay Arnold sa teleserye na Akusada ng Kapuso channel.

Maganda raw ang pagkakagawa at hindi magulo..

“‘Yung character ni Dennis (Arnold Reyes) sa Akusada, maganda. Ang galing din ni Arnold sa aktingan, kuhang-kuha niya yung obsession na karakter niya,” sabi ng isang netizen sa comment section.

Si Arnold ang mahusay na aktor na gumaganap na Dennis sa trending teleserye na Akusada.

Hindi lang basta kontrabida ang role niya sa bawat eksena, may lalim, may emosyon, at may galing na ramdam hanggang sa manonood.

Mala-Kdrama ang atake!

Yung tipong akala mo kakampi ng bida pero siya pala ang tunay na kalaban.

“Grabe ka, Dennis pero saludo kami sa’yo, Arnold Reyes, sa husay mong umarte!” sabi naman ng isa.

“Nakaka-in love ang angas ni Arnold!” say naman ng isa pa. JP Ignacio

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here