Manila, Philippines – Sa halip na magreklamo’y dapat pa nga raw ipagpasalamat ng bashers ang ipinagkakaloob na papremyo ng It’s Showtime sa game segment nito.
Ito ang ipinaunawa ni Vice Ganda sa ilang nakatutok sa segment na Laro, Laro Pick.
Noong isang araw ay naniguro ang isang contestant at umokey na sa P40k na panalo kesa sa jackpot na umabot sa P600k.
Isang netizen ang nam-bash sa IS, obyus na ang laki ng diperensya ng dalawang halaga.
Imbiyerna man ay hindi na raw ‘yon sinagot ni Vice Ganda.
Pero sa isang episode ng IS ay hindi napigilan ng TV host na bumuwelta sa basher.
Nauunawaan naman niyang maliit ang halagang P40k na kailangang itaas ng programa.
Pero dapat din daw maunawaan ng basher na para sa isang programa ng naghihingalong istasyon at segment na nahihirapang
maghanap ng sponsor ay malaki na ang P40k.
Noong nagsisimula naman ang segment na maliit ang papremyo ay tinanggap ‘yon ng mga viewers: “Nasanay kasi kayo na pataas nang pataas ang premyo, kaya nalilitan kayo sa P40k.”
Ibinaling naman ni Vice Ganda sa ibang tao na siyang dapat ireklamo ng mga basher, at hindi ang kanilang programa.
Aniya: “Ang talakan n’yo, eh, ‘yung mga nagnanakaw ng bilyun-bilyong piso! Kaya ‘yung iba sa atin, eh, mahirap pa rin dahil ilang taon na tayong ninanakawan ng bilyun-bilyong pera…yun ang talakan n’yo!”
Palakpakan ang audience sa tinuran ni Vice Ganda na obyus na pasaring sa mga magnanakaw sa gobyerno. Ronnie Carrasco III