Home ENTERTAINMENT Netizen, siniship sina Elijah at Belle, may ‘tulog’ daw si Donny!

Netizen, siniship sina Elijah at Belle, may ‘tulog’ daw si Donny!

Manila, Philippines – Pinabilib nina Belle Mariano at Elijah Canlas ang viewers sa kanilang partisipasyon sa action-packed na teleseryeng “Incognito” na pinagbibidahan nina Daniel Padilla, Ian Veneracion, Richard Gutierrez, MaThon, Kaila Estrada at Baron Geisler.

Kahit maikli lang ang kanilang roles sa pinag-uusapang teleserye ay nagmarka naman ang kanilang performances.

Katunayan, dahil sa ipinakitang galing ng dalawa, may shippers na nagpu-push na gawin silang loveteam o gawan ng proyekto.

Hirit pa ng ilang kibitzers, may tulog daw si Donny kay Elijah na bukod sa award-winning ay hindi na matatawaran ang versatility pagdating sa pag-arte.

Ito ang ilan sa komento ng kibitzers na nakapanood sa pagganap ng dalawa sa nabanggit na TV series.

“Elijah’s so versatile talaga. Ganoon din si Belle, ang galing nilang dalawa.”

“Saludo ako sa versatility ni Elijah. Kahit saan mo siya ilagay, kaya niya.”

“Actually bagay sila. Am rooting for them instead of DonBelle.”

“Pakakainin ni Elijah si Donny ng alikabok in the acting department.”

“Mismo. Siya iyong tipong effortless na mananapaw kahit di intensyong manapaw.”

“Silang dalawa lang among GenZ actors ang nakitaan ko ng malawak at versatile acting range.”

“Ang ganda ng portfolio ni Elijah. Sana maalagaan pa siya ng management at mabigyan pa siya ng roles that would showcase his potential.”

“Sana magkasama sila sa isang project, not necessarily as love team partners.”

“Bagay sila sa isang suspense/ mystery thriller. “

“If ever na magkaka-project sila. I think, susuportahan din sila ng DonBelle fans.”

“Mas bagay sila.” Archie Liao