Home NATIONWIDE Kalat-kalat na ulan, asahan sa South Luzon at bahagi ng Visayas

Kalat-kalat na ulan, asahan sa South Luzon at bahagi ng Visayas

MANILA, Philippines – Asahan ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at isolated thunderstorms sa Bicol Region, CALABARZON, MIMAROPA, Aurora, at Eastern Visayas dahil sa shear line.

Ayon sa PAGASA, magdadala naman ng maulap na kalangitan na may mga pag-ulan ang Northeast Monsoon o Amihan sa Metro Manila, Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, at nalalabing bahagi ng Central Luzon.

Bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated light rains ang mararanasan naman sa nalalabing bahagi ng Luzon.

Samantala, ang Mindanao, Caraga at Davao Regions ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil sa easterlies, habang ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorms. RNT/JGC