MANILA, Philippines – Inihayag ni Senate President Pro-Tempore Sherwin “Win” Gatchalian na kumpletuhin ang hawak na texts book ng bawat mag-aaral sa bawat subject sa taong 2026 upang mapalakas ang pagtuturo sa kabataan.
Sa pahayag, sinabi ni Gatchalian na sa pagbubukas ng 2026-23027 school year, naglaan ang pamahalaan ng sapat na pondo sa 2026 national budget upamg makamit ang 1:1 ratio kada mag-aara sa paggamit ng texts book.
Ngayong taon, P19.5 bilyon ang inilaan para sa pambili ng mga aklat at iba pang instructional materials.
Mas mataas ang pondong ito kaysa sa limang taong average na pondo na umabot sa P5.475 bilyon para sa mga aklat at iba pang instructional materials mula 2021 hanggang 2025.
“Maliban sa pagkakaroon ng sapat na mga silid-aralan, ang pagkakaroon ng kumpletong mga aklat ang isa rin sa mga dapat nating bigyan ng prayoridad para sa ating mga mag-aaral. Ang mga aklat ay pangunahing pangangailangan nila at tungkulin nating tiyakin na hindi na ito magkukulang,” ani Gatchalian.
Batay sa resulta ng 2024 Southeast Asia Primary Learning Metrics o SEA-PLM, ang mga mag-aaral na walang sariling aklat o nakikihati sa aklat ng iba ay karaniwang nakapagtatala ng limang puntos na mas mababang marka sa pagbasa kumpara sa mga mag-aaral na may sariling aklat.
Ipinakita rin ng resulta ng 2024 SEA-PLM na bagama’t 52% ng mga mag-aaral sa Grade 5 ang may tig-iisang aklat, 42% naman ang nakikihati ng aklat sa isa pang mag-aaral. Ernie Reyes