Home HOME BANNER STORY Taas-presyo sa Pinoy Tasty, Pinoy Pandesal aprub sa DTI

Taas-presyo sa Pinoy Tasty, Pinoy Pandesal aprub sa DTI

MANILA, Philippines – Inaprubahan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang hiling ng mga bread manufacturer na taasan ang presyo ng Pinoy Tasty at Pinoy Pandesal.

Sa ulat, pinayagan ng DTI ang P3.50 na taas-presyo sa 450-gram pack ng Pinoy Tasty, at P2.25-hike sa presyo ng 250-gram pack (10 piraso) ng Pinoy Pandesal.

Dahil dito, ang bagong suggested retail prices para sa Pinoy Tasty at Pinoy Pandesal ay nakatakdang tumaas sa P44.00 at P27.25, mula sa dating SRP nito na P40.50 at P25.00.

Ayon kay Trade Secretary Cris Roque, inaprubahan ng DTI ang hiling ng mga manufacturer na price hike dahil sa pagtaas sa gastos sa raw materials.

Ang Pinoy Tasty at Pinoy Pandesal ay ang mas murang uri ng tinapay sa bansa.

Nilikha ito sa ilalim ng corporate social responsibility program sa pagitan ng DTI at Philbaking noong 2010. RNT/JGC