Home ENTERTAINMENT Netizens, may picture na nakalkal kay Erich, nag-viral!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Netizens, may picture na nakalkal kay Erich, nag-viral!April 13, 2025 12:02 FacebookTwitterPinterestWhatsAppTikTok Manila, Philippines – Natural lang na hanapin ng mga netizens si Erich Gonzales sa kasal nina Claudia Barretto at Basti Lorenzo kamakallan.So, anong kunek?Ang napangasawa kasi ni Erich na si Mateo ay younger brother ni Basti.Matatandaang March 2023 nang ikasal sina Erich at Mateo.Pero wala ngang Erich na sumulpot sa kontrobersyal na pag-lisang-dibdib nina Claudia at Basti.Sa halip ay isang lumang larawan ang nakalkal ng mga netizens.Posted by a priest, makikita sina Erich at Mateo sa loob ng simbahan.Ang mas nakaagaw ng pansin ay ang karga-kargang sanggol ni Erich, na ayon sa pari na nasa larawan din ay anak ng Lorenzo couple.This is the same priest na nagbinyag kina Mateo, Basti at iba pa nilang mga kapatid.‘Ika nga’y nabuhay uli sa kamalayan ng local fandom si Erich who was expected to attend Claudia’s wedding since bayaw niya ang groom.Marami tuloy ang mga ispekulasyon sa no-show ni Erich.Matagal-tagal ring wala siya sa sirkulasyon, o kung may balak pa ba siyang magbalik-showbiz. Ronnie Carrasco III