Home ENTERTAINMENT Netizens, nagkagulo sa spitup isyu nina Richard at Barbie!

Netizens, nagkagulo sa spitup isyu nina Richard at Barbie!

287
0

Manila, Philippines – Iniintrigang babu na ang relasyong Richard Gutierrez at Barbie Imperial dahil sa latest sighting ng huli kasama ang isang girl.

Sa pagsisiyasat ng mga nagmamarisol, napag-alamang ang bebot ay tumutugon sa pangalang Charlotte Winter.

Si Charlotte ay isang sexy actress na natsika noon na naging dyowa ng chismis master na si Xian Gaza.

Ilang beses na ring natsismis na nagkakalabuan sina Richard at Barbie pero pinabulaanan naman ito ni Ogie Diaz, ayon sa kanyang source.

Sa pagsulpot naman ng mga nag-leak na photos, hindi naman tinatantanan ng mga tsikadora na may namamagitan na ngang romansa sa pagitan ng dalawa.

Ito ang ilan sa komento ng kibitzers.

“Ligwak na si Barbie.”

“Jowa ni Christian Gaza yan ah.”

“He’s single and handsome go go go lang life is short.”

“Barbie no more, ganyan ang moving on, agad agad.”

“OMG what happened to barbie? I hope wala namang third party issue.”

“Tunog sosyal yung name parang model e then nung ginoogle ko ayy. Vivamax starlet pala.”

“Sa true! Pero bigay na naten sa kanya to. Tagal din niya inantay to. Pagkatapos ng lahat ng unfollowhan at parinig niya na socials she’s finally getting what she wants.”

“Fake news! Si Barbie kasama niya sa Vineyard resort. They posted the same photo of the resort.”

“Nyek. So bait lang pala tong TikTok post. Andami na pa naman nag comment na bakit pinatulan ni Richard yung ex ni Xian Gaza.”

Bukas naman ang pahinang ito sa panig nina Richard at Barbie hinggil sa kontrobersya. Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here