Home ENTERTAINMENT Netizens, nagtatalo kung buntis o mataba lang si Angeline!

Netizens, nagtatalo kung buntis o mataba lang si Angeline!

Manila, Philippines- Marahil ay nawala sa loob ni Angeline Quinto na magiging toast of social media ang latest video na in-upload niya.

Hindi kasi nakatakas ang naturang video sa mapanuring mata ng mga netizens.

“Either-or” lang ang nagkakaisang tanong nila na naghahanap ng kasagutan: buntis na nga ba uli ang singer-actress sa kanyang pangalawang anak sa asawang si Nonrev Daquina o mataba lang?

Nasa plump side kasi si Angeline sa naturang video.

Medyo nag-aapuhap ng sagot ang mga netizen dahil baka dala lang ‘yon ng maluwag na kasuotan niya.

Kung sakali man daw buntis siya’y walang kaproble-problema.

After all, ligal na silang mag-asawa ni Nonrev pagkatapos ng kanilang Quiapo church wedding.

Ang mas pinangangambahan ng mga netizens ay kung sakaling hindi preggy si Angeline.

Malinaw na mataba lang siya, and therefore she needs to watch her diet at kung maaari pa nga’y samahan pa ng exercise.

But if at all ay nagdadalantao si Angeline ay may hiling ang kanyang mga tagahanga.

Sana raw ay baby girl ang ipinagbubuntis niya.

‘Yun ay para raw pangalanan itong Baby Sylvia, kapatid ni Sylvio.

Hango ang Sylvio sa pangalan ng adoptive mother ni Angeline na pumanaw noong kasagsagan ng pandemya. Ronnie Carrasco III