Manila, Philippines – Bukod sa pag-arte sa telebisyon at pelikula ay negosyante rin ang veteran actor na si Joel Torre.
The llonggo actor owns JT’s Manukan Grille.
Kaunti lang ang nakakaalam na naglunsad pala ng feeding program ang aktor para sa mga mag-aaral.
Ang kapuri-puri rito, si Joel mismo ang nagluto, naghanda at personal na namahagi ng mga pagkain sa 340 bilang ng mga estudyante sa Datu Sa Biwang Elementary School sa Bangsamoro Autonomous Region sa Muslim Mindanao.
Ang nasabing paaralan ay isa sa siyam na eskuwelang naglunsad ng feeding program para tugunan ang nutritional needs ng mga mag-aaral.
Partikular na niluto’t inihanda ni Joel ay manok at gulay sa mga estudyante.
Inulan naman ng papuri si Joel galing sa mga netizens.
Isa lang si Joel sa iilang showbiz celebrity na nagmamay-ari ng kainan.
Ganito rin ang negosyo ni Alden Richards na may-ari ng isang popular na fast food chain, Enchong Dee, Joaquin Domagoso among others. Ronnie Carrasco III