Home ENTERTAINMENT Netizens, pinuri ang kasimplihan ni Queenie sa ukay-ukay!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Netizens, pinuri ang kasimplihan ni Queenie sa ukay-ukay!May 22, 2026 13:16630 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Kinaaliwan ng mga netizens ang video ng pagsa-shopping ni Queenie–anak nina Manny at Jinkee Pacquiao–sa isang ukay-ukay store.Nitong nakaraan lang, ipinasilip ni Edgar Polinar ang pagbisita ni Queenie sa bilihan ng mga ukay-ukay items.Si Edgar ay staff ng pamilya Pacquiao na content creator din.Makikita sa video na tumitingin ng mga secondhand at pre-loved items sa mga racks si Queenie.Biniro siya ni Edgar na bilhin nang lahat ang mga naroon, to which ang sagot ni Queenie ay: “Ha?”Aniya, may nakita na daw siyang bag na nagustuhan: “Cute pero mahal.”Mura lang daw ang mga ukay-ukay items, giit ni Edgar.Hanggang binanggit ni Queenie ang presyo ng nakursunadang bag– P600: “Ang mahal!”Ikinaaliw ‘yon ng mga netizens.Sa bandang hull’y makikita si Queenie na may hawak na basket na punumpuno ng mga pinamili.Hinangaan si Queenie dahil sa kasimplehan nito, naturingang anak-mayaman.At least, hindi “nepo baby”! Ronnie Carrasco III