Michael V, may tribute kay Alex Eala!

0

Manila, Philippines - May pencil sketch ni Alex Eala na ipinost si Michael V sa kanyang Instagram account. Naka-side view doon ang matagumpay na tennis player who's holding a racquet. Kahit gamit lang ang lapis, recognizable naman ang subject sa sketch. Nilakipan pa ito ni Michael V ng caption na: "NAKAKABILIB KA!!!" na kinabiliban din ng mga netizens. llan lang sa mga comments...

Ellen, nag-swimming ng naka-undie sa Maldives, kinaray ang 2 anak!

0

Manila, Philippines - Maldives here they come! Finlex ni Ellen Adarna ang break niya with her kids Ellas and Lili sa Maldives. With Ellen and her kids ay mga kaanak niya. On her Instagram, very touching ang form of address sa kanyang mga supling--her caption reads: “my forever." Medyo nahirapan lang si Ellen to get a better angle to have their photo taken. Reklamo...

Katherine Luna, binida ang bagong sasakyan!

0

Manila, Philippines - Ipinagmalaki ni Katherine Luna ang naipundar niyang bagong sasakyan. Sa vlog interview ni Julius Babao, sabay na ibinahagi ng aktres ang mga pagbabago mula nang magbalik-showbiz siya. Pinupuri ni Katherine ang mga co-actors niya't mga direktor na umalalay sa kanya. Ang tinutukoy niya'y ang trabaho sa seryeng Sigabo, na pinagbibidahan ni Coco Martin. Si Coco ang dahilan ng renewed enthusiasm...

Pag-aprub sa GINHAWA Act na bawas-buwis sa minimum wage, hirit sa Senado

0

MANILA, Philippines - Hiniling ni Senate President Win Gatchalian sa Senado ang agarang pagsasabatas ng panukalang Granting Increase in Take-home Pay for All Working Filipinos Act (GINHAWA Act) upang maibsan ang pasanin ng pangkaraniwang minimum wage earners sa pagbabayad ng buwis. Sa pahayag, sinabi ni Gatchalian, isponsor at awtor ng panukala, na layunin ng GINHAWA Act na pagkalooban ng  bawas-buwis...

Nabubulok na bangkay ng lalaki, natagpuan sa gubat sa Abra

0

ABRA, Philippines - Isang magsasaka na naghahanap ng kabute sa isang kagubatan sa Barangay Bagalay, Tayum, Abra ang nakadiskubre ng nabubulok na bangkay ng isang hindi pa nakikilalang lalaki bandang tanghali noong Miyerkules. Agad niyang ipinaalam ang natuklasan sa isang barangay tanod, na siyang nag-report sa Tayum Municipal Police Station. Ayon sa pulisya, tinatayang tatlo hanggang apat na araw nang patay...

Pinoy dance crew na nagpasiklab sa 2026 World Hip Hop Championship sa US, pinuri ni Bam

0

MANILA, Philippines - Pinuri ni Senador Bam Aquino ang limang Filipino dance crew na nag-uwi ng mga medalya at nagpakita ng husay ng mga Pilipino sa 2026 World Hip Hop Dance Championship na ginanap mula Hulyo 25 hanggang Agosto 1 sa Phoenix, Arizona. Naghain si Aquino ng Senate Resolution No. 591 upang batiin at kilalanin ang natatanging performance ng Femme...

‘Pork barrel’ sa P7.2T national budget, nasilip ni Lacson: ‘Flood control na naman?’

0

MANILA, Philippines - Tila panibagong pork barrel ang nasilip ni Senador Panfilo Lacson na nakabaon sa P7.2 trilyong pambansang badyet sa 2027 bilang “lump sum appropriation” para sa infrastructure projects tulad ng flood control. Sa pahayag, sinabi ni Lacson na nasilip nitong Sabado ang ilang "questionable" na lump-sum appropriations   sa infrastructure projects ng isang ahensya ng gobyerno sa panukalang P7.2-trilyong...

MDSW, hatid-tulong sa 17 pamilyang Manilenyo sa gitna ng Habagat

0

MANILA, Philippines - Sa kasagsagan ng walang tigil na pag-ulan dulot ng Habagat sa Metro Manila at mga karatig-probinsiya, hindi natinag ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa paghahatid ng ayuda sa mga pamilyang nangangailangan. Sa pamamagitan ng Manila Department of Social Welfare (MDSW), personal na isinagawa ang paghahatid ng tulong sa mga benepisyaryo sa kanilang mga tahanan upang matiyak...

Tulak hinatulan ng habambuhay na pagkakabilanggo sa Bataan

0

BATAAN, Philippines - Hinatulan ng Hukuman dalawang beses na habambuhay na pagkabilanggo ang isang lalaki na nagkasala sa batas dahil umano sa pagtutulak ng iligal na droga sa Bataan. Kinilala ang akusadong si alyas "Goryo" na dalawang beses na nahuli at makumpiskahan ng iligal na droga, sa serye ng buybust operation pulisya sa Limay, Bataan. Batay sa ilang pahinang desisyon ni...

9 tripulante nasagip sa sumadsad na tugboat sa Zambales

0

ZAMBALES, Philippines - Nasagip ng mga Rescue Team ang siyam (9) na tripulante kabilang ang kapitan ng isang Tugboat na sumadsad dahil sa sama ng panahon sa karagatan sakop ng Barangay Bangan, Botolan, Zambales. Maagap na nakatugon ang Response Team ng Botolan, Zambales Rescue katuwang ang Philippine Coast Guard (PCG) makaraang makatanggap ng ulat hinggil sa sumadsad na Tugboat SL...