U.S. nagsagawa ng airstrike vs Iran
WASHINTON, US - Nagsagawa ang militar ng Estados Unidos ng serye ng airstrike laban sa Iran, ayon sa U.S. Central Command. Sinabi ng U.S. na isinagawa ang mga pag-atake bilang tugon sa umano'y pag-atake ng Iran sa tatlong commercial vessel na dumaraan sa Strait of Hormuz. Ayon sa U.S., layunin ng operasyon na patawan ng mabigat na kapalit ang Iran dahil...
Kampo ni Arroyo itinangging may balak ipa-impeach si Remulla
MANILA, Philippines - Itinanggi ng kampo ni dating Pangulong at Pampanga 2nd District Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na may kinalaman siya sa umano'y planong impeachment laban kay Ombudsman Jesus Crispin "Boying" Remulla. Ayon sa abogado ni Arroyo na si Joseph Frianeza, walang alam at walang kinalaman ang dating pangulo sa ulat na kumalat sa social media na nagsasabing may planong magsampa...
Sampaguita vendor pinagsasaksak, dedbol
RIZAL, Philippines - Patay ang isang 42-anyos na tindero ng sampaguita matapos hampasin ng bote at paulit-ulit na saksakin ng dalawang lalaki habang nag-iinuman sa Sitio Gumamela 2, Phase 5, Barangay Sta. Cruz, Antipolo City noong gabi ng Hulyo 5. Ayon sa pulisya, nagkaroon ng pagtatalo ang biktima at ang dalawang suspek. Isa sa mga suspek ang umano'y humampas ng...
Sarah Discaya pinayagang magpiyansa
MANILA, Philippines - Pinayagan ng Regional Trial Court sa Lapu-Lapu City, Cebu na magpiyansa ng ₱1 milyon ang kontrobersyal na contractor na si Sarah Discaya sa kasong malversation at paglabag sa anti-graft law kaugnay ng umano'y ghost project sa Davao Occidental. Pinayagan ding magpiyansa ng ₱300,000 si Czar Ryan Ubungen, finance officer ng DPWH-Davao Occidental. Ayon sa korte, kulang pa ang...
2 pulis utas sa ambush sa Sultan Kudarat
SULTAN KUDARAT, Philippines - Patay ang dalawang miyembro ng Philippine National Police (PNP) matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa Barangay Tinumiguis, Lambayong, Sultan Kudarat noong Martes ng gabi, Hulyo 7. Kinilala ng Sultan Kudarat Police Provincial Office (SKPPO) ang mga biktima na sina Patrolman (PAT) Pagurayan at PAT Bullos, na kapwa nakatalaga sa 1202nd Maneuver Company, Regional...
Mga materyales sa road dike project sa OrMin, dumaan sa quality test – lab personnel
MANILA, Philippines - Nagpatotoo noong Martes ang isang laboratory personnel na sumailalim sa quality testing ang mga materyales na ginamit sa umano'y maanomalyang road dike project sa Naujan, Oriental Mindoro, sa pagpapatuloy ng depensa sa kasong malversation laban sa dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co at ilang opisyal ng DPWH-Mimaropa. Ayon kay Leomar John Castro ng Quantum Materials Testing Laboratory...
Haligi ng ginagawang gusali, bumaluktot; abalang bahagi ng New York, pinalikas
MANHATTAN, New York - Pinalikas ng mga awtoridad ang isang abalang bahagi ng Manhattan, New York noong Martes matapos bumigay ang ilang structural columns sa isang skyscraper na kasalukuyang ginagawang apartment. Ayon kay New York Mayor Zohran Mamdani, dalawang pangunahing haligi ang bumaluktot habang may nakita ring maraming bitak at lumulubog na mga sahig. “Two structural columns have buckled, in addition...
Unang 4 etrada sa MMFF 2026, inilantad; Parade of Stars, dadalhin sa Bacolod
MANILA, Philippines - Inanunsyo ng Metro Manila Film Festival (MMFF) ang unang apat na opisyal na kalahok sa ika-52 edisyon ng prestihiyosong film festival, kasabay ng paglalatag ng mga bagong hakbang upang mas mapalawak ang pagdiriwang ng pelikulang Pilipino sa labas ng Metro Manila. Sa ginanap na launching sa East Wing Atrium ng GH Mall sa San Juan City, sinabi...
Walang reklamong inihain laban sa mga ‘bastos’ na Filipino protesters sa Canada – Malakanyang
MANILA, Philippines - Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na hindi nagsampa ng reklamo ang gobyerno ng Pilipinas laban sa mga 'bastos' na Filipino protesters na nang-harass sa kanya sa panahon ng opisyal na pagbisita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Canada. Ani Castro, ginagalang ng gobyerno ang karapatan sa malayang pamamahayag...
Bonus para sa mga kuwalipikadong gov’t workers, inaprubahan ng OP
MANILA, Philippines - Inaprubahan ng Office of the President (OP) ang pagkakaloob ng 2024 Performance-Based Bonus (PBB) sa mga kuwalipikadong empleyado ng gobyerno. Sa isang Facebook post, ibinahagi ng Department of Budget and Management (DBM) ang kopya ng Resolution No. 2026-1, ipinalabas noong Hulyo 2, pormal na inanunsyo ang pag-apruba ng OP ng 2024 PBB. Ang pag-apruba ay kasunod ng pagrebisa...












