Huling 3 Pinoy crew ng barkong sinamsam sa Iran, nasa Pinas na
MANILA, Philippines – Nakauwi na sa Pilipinas nitong Lunes ang huling tatlong Filipino crew members ng MV Epaminondas na sinamsam ng Iranian forces, kaya kumpleto na ang repatriation ng lahat ng 10 Pilipinong sakay ng Liberia-flagged container vessel halos tatlong buwan matapos itong masangkot sa security incident sa Strait of Hormuz. Ayon sa Department of Migrant Workers, dumating ang tatlong...
Crime rate sa bansa bumaba ng 30.43% noong Hunyo — PNP
MANILA, Philippines – Bumaba ng 30.43 percent ang nationwide crime rate noong Hunyo kumpara sa kaparehong panahon noong 2025, ayon sa Philippine National Police nitong Lunes. Sinabi ni PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. na 2,138 focus crimes ang naitala noong Hunyo, mas mababa sa 3,073 insidente na naitala sa kaparehong buwan noong nakaraang taon. Ang datos ay kumakatawan sa...
‘Common fishing ground’ na alok ng Tsina sa Masinloc, sinopla ni Gibo
MANILA, Philippines – Tinanggihan ni Department of National Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. ang panukala ng China na magkaroon ng common fishing ground sa Bajo de Masinloc, na kilala rin bilang Scarborough Shoal, dahil bahagi ito ng West Philippine Sea at sakop ng exclusive economic zone ng bansa. "Hindi tayo pinanganak kahapon," pahayag ni Teodoro nitong Lunes nang tanungin ng...
Sirit-presyo sa produktong petrolyo, umarangkada
MANILA, Philippines — Muling sasalubong sa dagdag-presyo ang mga motorista sa diesel at kerosene sa Martes, Hulyo 7, habang tataas din ang presyo ng gasolina sa ilang pangunahing kompanya ng langis. Magpapatupad ang Seaoil Philippines Corp. at Shell Pilipinas Corp. ng P0.25 kada litro na dagdag-presyo sa gasolina, P3.30 kada litro sa diesel, at P1.75 kada litro sa kerosene. Kaparehong dagdag-presyo...
Sino si Atty. Sheila Sison, lead defense counsel ni VP Duterte?
MANILA, Philippines — Nakilala ng publiko sa unang araw ng Senate impeachment trial ni Vice President Sara Duterte si Atty. Sheila Sison, ang kaniyang lead defense counsel, matapos nitong kuwestiyunin ang constitutionality ng impeachment proceedings sa House of Representatives. Si Sison ay partner sa Fortun, Narvasa & Salazar Law Offices, kung saan kaanib din ang karamihan sa 16-member defense team...
Escudero: 16 boto sa Senado kailangan para ma-convict si VP Duterte
MANILA, Philippines — Sinabi ni Sen. Francis “Chiz” Escudero, presiding officer ng Senado na tumatayong impeachment court, na kailangan ng hindi bababa sa 16 affirmative votes mula sa mga senator-judge upang ma-convict si Vice President Sara Duterte sa kaniyang impeachment trial. Ginawa ni Escudero ang pahayag matapos niyang tanggapin ang posisyon bilang presiding officer, kasabay ng pagbibigay-diin na nakasaad sa...
#WalangPasok sa Siliman U, matapos ‘security threat’
DUMAGUETE CITY, Negros Oriental — Nagsagawa ng online classes sa Silliman University ngayong Martes, Hulyo 7, 2026, matapos makatanggap ng security threat ang pamunuan ng unibersidad. Ayon sa unibersidad, ang mga klase sa lahat ng antas ay gagawin online, maaaring synchronous o asynchronous, depende sa pasya ng mga instructor. "Classes at all levels shall be conducted online, either synchronously or asynchronously,...
Covid-19 cases sa QC mild at manageable — Belmonte
MANILA, Philippines — Tiniyak ni Quezon City Mayor Joy Belmonte sa mga residente na nananatiling manageable ang pagtaas ng Covid-19 cases sa lungsod, at lahat ng naiulat na impeksyon ay mild at maayos na naisailalim sa isolation. Sinabi ni Belmonte na mahigpit na mino-monitor ng city government ang sitwasyon sa pamamagitan ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Division, na nakapagtala...
P78M lotto jackpots, mailap
MANILA, Philippines — Walang bettor ang nakakuha ng jackpot sa Grand Lotto 6/55 at Mega Lotto 6/45 draws nitong Lunes, Hulyo 6, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office. Lumabas na winning combination sa Grand Lotto 6/55 ang 49-04-25-55-18-42, na may jackpot prize na umaabot sa halos ₱63.07 milyon. Walang ticket ang nakatama sa lahat ng anim na numero. Sa Mega Lotto...
Habagat na pinalakas ng super typhoon, magpapaulan sa kanlurang Luzon, Visayas
MANILA, Philippines – Inaasahang palalakasin ng Super Typhoon Bavi ang southwest monsoon o habagat, na magdudulot ng katamtaman hanggang malakas na pag-ulan sa kanlurang bahagi ng Luzon at Visayas simula Biyernes, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration nitong Lunes. Ayon sa PAGASA, namataan ang Bavi dakong alas-3 ng hapon sa layong 2,120 kilometro silangan ng southeastern Luzon...












