Home HOME BANNER STORY ‘Common fishing ground’ na alok ng Tsina sa Masinloc, sinopla ni Gibo

‘Common fishing ground’ na alok ng Tsina sa Masinloc, sinopla ni Gibo

2
0

MANILA, Philippines – Tinanggihan ni Department of National Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. ang panukala ng China na magkaroon ng common fishing ground sa Bajo de Masinloc, na kilala rin bilang Scarborough Shoal, dahil bahagi ito ng West Philippine Sea at sakop ng exclusive economic zone ng bansa.

“Hindi tayo pinanganak kahapon,” pahayag ni Teodoro nitong Lunes nang tanungin ng mga mamamahayag tungkol sa panukalang inihain ni Chinese Ambassador to the Philippines Jing Quan sa Department of Foreign Affairs.

Ayon kay Teodoro, kinilala na ang karapatan ng Pilipinas sa pangingisda sa naturang lugar sa ilalim ng July 12, 2016 Arbitral Award, na nagpawalang-bisa sa malawak na “Nine-Dash-Line” claim ng China sa South China Sea.

“So bakit siya magsa-submit ng proposal, nadyan na yan sa Arbitral Award eh,” ani Teodoro.

“So anong gusto niyang mangyari ngayon? Tatanggap ka ng proposal na sasabihin mo dahil sa proposal nila kaya nagka-fishing ground eh nakalagay na yun dyan e common fishing ground with our EEZ (exclusive economic zone)? So, sino niloko nila,” dagdag niya.

Kinuwestiyon din ng DND chief ang timing at pampublikong paraan ng paghahain ng panukala, na tinawag niyang isang “PR” o public relations move sa gitna ng agresibong aksyon ng China laban sa Pilipinas sa West Philippine Sea.

Iginiit ni Teodoro na sakop na ng arbitral ruling ang usapin sa naturang lugar at hindi dapat ituring na bagong kasunduang iniaalok ng China. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here