Angara nagpasalamat sa pagkakatalagang bagong DepEd chief
MANILA, Philippines- Nangako si Senator Sonny Angara nitong Martes na makikipagtulungan sa lahat ng sektor ng lipunan upang matiyak na ang mga mag-aaral na Pilipino ay magkakaroon ng access sa de-kalidad na edukasyon. Inihayag ni Angara, pinangalanang incoming Department of Education secretary, na bukas siyang makipagtrabaho sa pinalitan niyang si Vice President Sara Duterte. Ayon kay Angara, nagpapasalamat siya kay Marcos...
Barbers: NP makikipag-alyansa sa PFP; Sen. Imee kasama sa lineup ng admin para sa Eleksyon 2025
MANILA, Philippines- Sinabi ni Nacionalista Party stalwart Ace Barbers nitong Martes na sigurado siyang ang Presidential sister, si Senator Imee Marcos, ay magiging bahagi ng lineup ng administrasyon sa darating na eleksyon. Ito ay sa paglalaghad ni Barbers na nakatakdang makipag-alyasa ng NP sa Partido Federal ng Pilipinas (PFP) ng Punong Ehekutibo sa pagtatapos ng buwan. “In the NP, we are...
P110M funding para sa Malikhaing Pinoy Program aprub sa DBM
MANILA, Philippines- Inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagpapalabas ng P110 milyon para sa implementasyon ng Malikhaing Pinoy Program, gaya ng hiniling ng Department of Trade and Industry (DTI) para isulong ang Philippine creative industry. Ang Malikhaing Pinoy Program ay inisyatiba ng DTI para tulungang mapahusay ang "economic at employment contribution" ng creative industries para suportahan ang...
Yate na may kargang 1.4 toneladang ilegal na droga, nasamsam ng BOC sa Batangas
MANILA, Philippines- Kinumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) katuwang ang Philippine National Police at Philippine Drug Enforcement Agency ang isang pribadong yate na ginamit sa pagbibiyahe ng 1.4 tonelada ng shabu sa Nasugbu, Batangas. Ayon sa BOC, tinatayang nasa P9.6 bilyon halaga ng ilegal na droga ang naharang sa isang police checkpoint sa Alitagtag, Batangas noong Abril...
3 Chinese nat’l timbog sa P3.4M shabu
ANGELES CITY- Arestado ang tatlong lalaking Chinese nitong Lunes ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nakuhanan ng halos P3,400,00 halaga ng shabu (crystal meth) sa isang sting operation sa Barangay Balibago sa lungsod na ito. Batay sa PDEA Region 3 report nitong Martes, naganap ang buy-bust ng alas-10:50 ng gabi sa Shanghai Building sa kahabaan ng MacArthur Highway, Kinilala ng...
JoshLia reunion movie, posibleng mag-flop!
Manila, Philippines- There seems to be a lot of catching up to do, matiyak lang na kakagatin ng mga manonood ang pelikulang Unhappy For You. Ang nasabing pelikula ay ang reunion movie ng real life ex-couple na sina Julia Barretto at Joshua Garcia or collectively known as JoshLia. Kung tutuusi'y matagal pa naman ang theatrical showing ng nasabing handog ng Star...
2 patay, 3 sugatan sa banggaan ng tatlong sasakyan sa Ilocos Sur
ILOCOS SUR- Patay ang dalawang lalaki samantalang tatlong iba pa ang sugatan sa banggaan ng tatlong sasakyan sa national highway sa Brgy. Gabur Sur, Sta. Cruz ng lalawigang ito kaninang madaling-araw. Dead-on-arrival sa ospital ang driver ng Fuso closed van at Honda XRM motorcycle samantalang nagtamo naman ng minor injury ang driver ng Fuso truck. Kinilala ng Sta. Cruz Municipal Police...
Paglulunsad ng NoKor ng ballistic missile kinondena ng Pinas
MANILA, Philippines- Binatikos ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang ikinasang ballistic missile ng North Korea. Sinabi ng DFA na nag-uudyok ito ng tensyon at nakaaapekto sa ekonomiya at kapayapaan sa Korean Peninsula at maging sa lndo-Pacific region. Inihayag ng departamento na ilang beses nang nanawagan ang Pilipinas sa North Korea na sumunod sa international obligations at sa United Nations Security...
Hontiveros ‘di pa kinokonsiderang kumandidatong Pangulo sa 2028
MANILA, Philippines- Hindi pa parte ng kanyang plano ang pagtakbo bilang presidente sa 2028, ayon kay Senator Risa Hontiveros. Subalit, sigurado umano siyang magkakasa ang oposisyon ng senatorial bets nito sa 2025 midterm elections at posibleng full slate sa 2028. Inihayag ito ni Hontiveros nitong Martes nang tanungin siya sa isang panayam kung kinokonsidera niyang kumandidato sa pagka-Pangulo sa 2028. “I am...
Displaced workers sa Zambo inayudahan; dagdag na P100 sahod, iginiit ni Bong Go
MANILA, Philippines- Libo-libong nawalan ng trabaho ang inayudahan ni Senator Christopher "Bong" Go sa Zamboanga City. Sa kabila ng panandaliang pagkawala ng kuryente, ipinakita ang katatagan at dedikasyon ni Go at ng kanyang Malasakit Team nang ipagpatuloy ang pamimigay ng mga tulong. Sa aktibidad na isinagawa sa Zamboanga Peninsula Polytechnic State University, personal na namigay si Go at ang kanyang Malasakit...












