Home METRO Teenager na wanted sa panghahalay, huli

Teenager na wanted sa panghahalay, huli

1
0

MANILA, Philippines – Huli ang 19-anyos na teenager na wanted sa tatlong bilang na kasong rape nang maaresto ng pulisya sa manhunt operation sa Caloocan City.

Sa ulat ng tanggapan ni Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Benliner Capili, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng District Special Operations Unit (DSOU) hinggil sa kinaroroonan ng akusado na nakatala bilang No. 3 sa Top Ten Most Wanted Person sa NPD.

Kasama ang mga operatiba ng Women and Children Protection Desk, Warrant and Subpoena Section ng Caloocan City Police Station, at NDIT-RIU NCR, agad ikinasa ng mga DSOU ang joint operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado sa Barangay 181, ng lungsod.

Isinilbi ng mga pulis sa akusado ang arrest warrant na inisyu ng Family Court, Branch 1, Caloocan City para sa kasong Rape (3 Counts) at Sexual Assault in relation to RA 7610 (3 Counts).

Walang inilaang piyansa ang hukuman para sa pansamantalang paglaya ng akusado na pansamantalang nakapiit sa custodial facility unit ng Caloocan CPS habang hinihintay ang utos ng korte para sa paglilipat sa kanya sa Caloocan City Jail. (Merly Duero)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here