Home METRO Tulak ng tobats, hinatulan ng habambuhay na pagkakabilanggo

Tulak ng tobats, hinatulan ng habambuhay na pagkakabilanggo

1
0

BATAAN, Philippines – Hinatulan ng habambuhay na pagkabilanggo ang isang high value drug personality matapos mapatunayan sa Hukuman na nagkasala sa batas hinggil sa pagbebenta ng iligal na droga sa lalawigang ito.

Ang akusadong si alyas “Jomer” ay naaresto sa ikinasang anti-illegal Drug operations ng pulisya sa noong December 12, 2025 sa Balanga City, Bataan.

Sa operasyon, nasamsam ng mga awtoridad sa akusado ang nasa mahigit 100 gramo ng shabu na may standard drug price na P714,000 at iba pang ebidensiya gaya ng marked at boodle money na ginamit noon sa buybust.

Base sa ilang pahinang desisyon ni Bataan Regional Trial Court Judge Philger Noel Onovejas. Hinatulan na Guilty Beyond Reasonable Doubt ang akusado sa paglabag sa Section 5 and 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002

Bunsod nito ang akusado ay hinatulan ng Habanbuhay na pagkabilanggo at pinagbabayad ng Korte ng tig-P500,000 sa bawat paglabag nito sa naturang batas. (ROEL TARAYAO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here