Bong Go sa Davao Oriental State University grads: Go Nang Go sa inyong pangarap!
MANILA, Philippines - Dumalo si Senator Christopher “Bong” Go sa commencement exercises ng Davao Oriental State University (DORSU) sa main campus nito sa Mati City, Davao Oriental bilang panauhing pandangal at tagapagsalita. Ipinagdiwang sa okasyon ang mga nagawa ng 1,516 nagsipagtapos mula sa iba't ibang faculty, kabilang ang Graduate School, Faculty of Agriculture and Life Sciences, Faculty of Computing, Data...
2 carnapper natunton sa GPS tracker
MANILA, Philippines - Arestado ng mga awtoridad ang isang babae at lalaking umano'y carnapper na tumangay sa motorsiklo ng isang rider sa Cordillera Street sa Barangay Lourdes, Quezon City. Sa kuha ng CCTV ng barangay, sinundan ng dalawang suspek na lulan ng isang motorsiklo ang biktima na minamaneho rin ang motorsiklo nito. Makalipas ang ilang sandal ay sapilitang kinuha ng mga...
AFP pinuri ni Tolentino: Gold medalist sa ROTC Games, gagawing iskolar
MANILA, Philippines - Ikinatuwa ni Senate Majority Leader Francis 'Tol' Tolentino ang anunsyo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na gagawin nitong iskolar ang mga kadeteng atleta na mananalo ng ginto sa nagpapatuloy na Philippine Reserve Officers' Training Corps ( ROTC) Games. “The scholarships from the AFP will surely encourage cadet-athletes competing in the ROTC Games to excel not...
8 nasagip na crew ng sumabog na bangka sa Bajo de Masinloc, dumating na sa Zambales
MANILA, Philippines -Lulan ng BRP Sindangan ang walong crew ng FB Akio na dumating sa Subic Bay, Zambales nitong Lunes ng madaling araw, Hulyo 1 matapos na pagsabog ng makina nito sa karagatan ng Bajo De Masinloc noong Sabado. Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), dalawa sa walong mangingisda ang nagtamo ng 1st degree burns dulot ng pagsabog at agad...
Abandonadong sasakyan na posibleng ginamit sa pagkawala ng beauty queen, natagpuan
MANILA, Philippines - Natagpuan ng mga awtoridad ang abandonadong sasakyan na posibleng ginamit umano ng persons of interest sa pagkawala ng beauty queen na si Geneva Lopez at Israeli boyfriend nitong si Yitzhak Cohen. Ayon sa Criminal Investigation and Detection Group - Tarlac, natagpuan ang sasakyan sa Barangay Tibag, Tarlac City nitong Linggo ng gabi, Hunyo 30. Nag-ugat ang operasyon ng...
Pagiging lider ng oposisyon, itinanggi ni VP Sara
MANILA, Philippines - Pinabulaanan ni Vice President Sara Duterte ang mga pahayag na pamumunuan nito ang oposisyon matapos na magbitiw siya mula sa gabinete ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. “Sa trabaho ko at sa pagkatao ko at sa prinsipyo ko hindi ako gumalaw for the administration, for the opposition or ano man ang politka na 'yan. Ang galaw ko ay...
Mas mataas na 4Ps cash grants sisimulan sa susunod na taon – DSWD
MANILA, Philippines - Target ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na maipamahagi sa susunod na taon ang adjusted cash grants sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng pamahalaan. Ayon kay DSWD Assistant Secretary JC Marquez, tututukan ng ahensya ngayong taon ay ang pagbuo ng proposal na dagdagan ang halaga ng cash grants para sa mga benepisyaryo...
BI agents sinanay sa impostor detection
MANILA, Philippines- Sumailalim sa isang specialized training session ang nasa 36 tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Davao International Airport (DIA) noong Hunyo 27. Ang nasabing pagsasanay ay nakatuon sa impostor detection at passenger assessment, na isinagawa ng mga opisyal mula sa Canada Border Services Agency (CBSA). Nabatid na ang mga dumalo ay mga opisyal ng imigrasyon at mga teknikal...
Mga senior mas delikadong masapul ng respiratory syncytial virus – eksperto
MANILA, Philippines- Bagama’t madalas na iniuugnay ang respiratory syncytial virus (RSV) sa mga sakit sa mga bata, sinabi ni infectious disease expert Dr. Rontgene Solante na ang senior citizens at matatanda na may comorbidities ay nahaharap sa mas malaking panganib na magkaroon ng isang malubhang anyo ng impeksyon na posibleng magresulta sa nakamamatay na mga komplikasyon. Ang RSV ay isang...
Mas matibay na social protection, sex education sa teenage moms hirit ng solon
MANILA, Philippines- Hinikayat ni Senador Sherwin Gatchalian ang gobyerno na palakasin ang implementasyon ng comprehensive sexuality education (CSE) at social protection program para sa adolescent mothers. Sinabi ni Gatchalian na lubos na nakababahala ang ulat ng Commission on Population and Development (CPD) na umabot sa 22,000 teenagers ang muling nabuntis. Base sa datos ng CPD, muling nabuntis ang maraming kabataan sa...












