
MANILA, Philippines- Inaasahang makararanas ang ilang lugar sa limang probinsya ng power interruptions sa Linggo, April 6, dahil sa maintenance activities.
Ito ay ayon sa ilang abiso ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na naka-post sa official social media nito noong Huwebes.
Kabilang sa mga apektadong lalawigan ang mga sumusunod:
Albay
April 6, 6 a.m.-8 a.m. at 5 p.m.-6 p.m.
Makaaapekto sa ALECO
Rason: load shifting ng ALINDECO at ALECO mula sa Tiwi C Substation hanggang Daraga Substation
Antique
April 6, 5 a.m.-7 a.m.
Makaaapekto sa ANTECO (Culasi at Bugasong Substations), VHPP SUWECO
Rason: load transfer at pagbabalik-normal ng Culasi at Bugasong substations ng ANTECO mula San Jose hanggang Nabas substations ng NGCP
Quezon Province
April 6, 6 a.m.-6 p.m.
Makaaapekto sa QUEZELCO 1
Rason: general maintenance at corrective measures sa kahabaan ng Pitogo-Mulanay 69 kV line
South Cotabato
April 6, 8 a.m.-10 a.m.
Makaaapekto sa SOCOTECO II (Polomolok, Tupi, at Dole Philippines Substations)
Rason: disconnection ng loop jumper conductors ng isang pole na kumokonekta sa Gensan-Poblacion Tupi kV line sa alternate feeder nito sa NGCP Gensan Substation
Southern Leyte