Home NATIONWIDE NPC nagbabala sa mga magulang vs pagbabahagi ng larawan ng mga anak...

NPC nagbabala sa mga magulang vs pagbabahagi ng larawan ng mga anak sa online contests

MANILA, Philippines- Nagbabala ang National Privacy Commission (NPC) nitong Huwebes sa mga magulang na mag-ingat ang mga ito sa pagsali sa mga contest sasocial media na humihingi ng baby photos.

Bagama’t tila ligtas ito, sinabi ng komisyon na maaaring magamit ang mga larawan ng mga bata sa online sexual at exploitation.

“May nakita ka bang post na nanghihikayat sa parents na mag-comment ng pictures ng kanilang babies kapalit ng pera o premyo? Mukhang harmless, pero delikado!” pahayag ng NPC sa abiso.

“Huwag hayaang maging biktima ang inyong anak! Think before you post. Protektahan natin ang privacy at digital future nila,” dagdag nito. RNT/SA