Manila, Philippines- Naniniwala ang mga tagahanga ni Barbie Forteza na “sino-showbiz” lang ni David Licauco ang kanyang mga sagot na may kinalaman sa kanilang idolo.
Forcing through o halatang pilit daw kasi ang mga pa-sweet na sagot ni David, masabi lang na may feelings siya kahit paano kay Barbie.
Eh, alam naman daw lahat na may non-showbiz girlfriend si David.
Taliwas ito sa naunang deklarasyon ng Pambansang Ginoo na break na sila nito.
Hindi ma-take ng mga fans ni Barbie ang binitiwan ni David sa panayam sa kanya ni Nelson Canlas.
Sey kasi ni David: “I care about her (Barbie) a lot!”
Hindi raw honest ang dating niyon.
The only thing na sinang-ayunan ng mga fans ni Barbie ay nang sabihin ni David na BarDa fan ang kanyang ina.
In fact, gustung-gusto nga raw ma-meet nito si Barbie in person.
Dala na rin ng sobrang kabisihan ni Barbie kung kaya’t hindi maiske-iskedyul ni David ang kanilang meetup.
Pero nilinaw naman ni David that: “We need to understand that Barbie just got off a relationship…so let’s allow her to heal!”
Again, hindi ito bumenta sa mga fans ni Barbie na duda sa hangarin ni David–that is, ang ipursige ang panunuyo sa aktres. Ronnie Carrasco III