Home METRO Nigerian national hinoldap na, binaril pa sa Cavite

Nigerian national hinoldap na, binaril pa sa Cavite

MANILA, Philippines – Isang 32-anyos na Nigerian national malubhang nasugatan makaraang holdapin at hindi pa nakuntento ay binaril pa ito nang pumalag sa Gen Trias City, Cavite.

Ayon sa report, ginagamot ngayon sa Emilio Aguinaldo Hospital ang biktimang si Cypril Chiedozie, kasalukuyang nakatira sa Imus City, Cavite dahil sa tinamong sugat sa likurang bahagi ng kanyang katawan.

Inaaalam naman ang pagkakakilanlan ng dalawang suspek na tumakas dala ang hindi pa nabatid na kalibre ng baril na ginamit sa insidente.

Sa ulat, bandang alas-3:00 kamakalawa ng madaling araw ay naglalakad ang biktima patungo sa bahay ng kanyang girlfriend sa Tropical Village, Pabahay 2000, Brgy. San francisco ng nasabing lugar nang lapitan siya ng dalawang suspek na armado ng baril at nagdeklara ng holdap.

Nabatid na pumalag ang biktima dahilan upang barilin siya sa likod ng isa sa suspek saka tumakas matapos tangayin ang relo, cellphone at wallet, na may hindi pa mabatid na halaga ng pera.

Kaagad nmang isinugod sa ospital ang biktima habang nagsasagawa naman ng backtracking ang pulisya sa Closed Circuit Television (CCTV) sa posibleng dinaanan ng mga suspek at pagkakakilanlan nito. MARGIE BAUTISTA